Lunes, Marso 21, 2011

ANG TALAMBUHAY NI LUFFA KARIZZA KATIPUNAN

       Ako si Luffa Karizza Alcantara Katipunan na masayahin, palakaibigan at mapagmahal na anak.Ipinanganak ako noong Setyembre 25,1992, sa lugar ng Calauan Laguna.Ang pangalan ng aking mga magulang ay sina Benigno at Lillian Katipunan.Tatlo kaming magkakapatid, ang panganay ay si Bryan ang sumunod ay si ninolito, at ako ang bunsong babae, kaya naman mahal na mahal ako ng mga magulang ko.
        Ang trabaho ng tatay ko ay nagtatanim lang ng mga palay at mga gulay sa bukid namin.Ang nanay ko naman ay nagtitinda na mami noon sa San Pablo, pero ngayon ay nagmamanicure na lamang sya dahil nalugi an gaming tindahan, dahil sa tatay ko na ipinangsusugal ang perang kinikita ng nanay ko.Pero ayos din naman ang kinikta ng nanay ko ngayon,palagi parin naman kami kumakain ng masasarap.
     
                             

  Noong sanggol po ako ay bininyagan ako sa simbahan ng Calauan Laguna, at ang mga ninong at ninang ko po ay sina Leoni, Vilma, Jojo,Danie, at Dodie.Ayon lang po ang aking natatandaan dahil hindi ko nap o nakikita ung iba.
       Nang sumapit po ang unang kaarawan ko ay ipinaghanda ako ng mga magulang ko ng marami dahil ako daw ang nag iisang anak na babae.Noong sumapit naman ang ikatlong kaarawan ko ay pinagsabay na ang handa ng aking lolo at ang akin.Ipinaghanda ulit kami ng marami ng aking mga magulang, tiyo at mga tiyahin.doon kasi kinuha ang pangalan ko sa aking lolo.Lope ang pangalan nya, at Luffa nman ako.Hindi ko na natatandaan ang mga panahong iyon dahil tatlong taon pa lamang ako.Pero dahil sa mga larawa na itinago ng aking mga magulang ay nakita at nasiyahan ako.
     
                           
Noong edad kong lima at anim ay napakarami ko na agad naging karanasan.Umaakyat kai ng mga pinsan ko sa mga puno,pataasan kami kung hanggang saan ang akyatin,dahil sa pag akyat kong iyon ay nahulog ako sa puno at yun ay nagtamo ng pilat sa hita ko.Simula noon ay hindi na ako umulit pang umakyat sa punong iyon,dahil pinutol na ni tatay.Lagi din akong may palo kay tatay kapag nakikitang umaakyat sa puno.At isa pa,gabi noon nang mahulog ako sa ilog doon sa amin,susunduin naming si nanay sa labasan kasama ang mga pinsan ko,nang matisod ako sa malaking kahoy na nakaharang sa daan at nagpagilong gilong ako sa ilog, pinagtawanan akong magaling ng mga pinsan ko..dati ay nililiguan naming ang ilog na iyon,ngayon ay hindi na dahil sa marumi na ngayon.
        Naalala ko rin pala noong umuwi ang tiya ko galing ibang bansa.naisipan nyang magbakasyon muna nang ilang araw, nagustuhan nyang magswimming kasama ang mga kamag anak namin.Sa dagat kami nagpunta, dahil dun gusro ni tita.Ang mga pinsan ko ay nagyaya na mamangka sa gitna ng dagat para makita ang mga corals sa ilalim,nang nasa kalagitnaan na kami ay nagkakaroon ng tubig ang loob ng bangka, unti unti kaming lumulubog dahil sa ang dami naming nakasakay.Naiisip ko nay un na ang huling araw ko,dahil feeling ko ay mamamatay na ako noon,buti na lang at may life jacket kami.
       
                                     
Bata pa lamang ako noon ay andami ko nang kinakatakutan.Nang sumapit ako sa edad na pito ay nag aral na ako ng grade 1.Hindi na ako pinag aral ng nanay ng kinder dahil pareho lang din naman daw yun.Hindi ko talaga malimutan ang mga panahong ikinulong kami ng aming guro sa loob ng classroom noong awasan na ng hapon.Dahil sa sobrang kaingayan naming at hindi sumusunod sa guro.Pag labas naming sa room na iyon ay wala nang ibang tao o estudyante, at wala na rin akong masakyan pauwi.
Wala akong kapera pera noong panahong iyon kung hindi  piso lamang.wala akong ibang maisip na paraan kung hindi maglakad na lang, habang naglalakad ako pauwi sa amin ay tumutulo ang luha ko sa sobrang awa ko sa sarili ko.Pag uwi ko samin ay bigla akong nilagnat, nagpunta kami ng nanay at ng tiyahin ko sa antipolo para magdasal doon.at ayon na lamang pom ang natatandaan ko noong ako ay nasa elementarya.wala din akong naitagong larawan noong ako ay elementary.
          Noong ako naman ay nagsimulang pumasok ng high school ay natatakot pa ako dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko,dahil bagong school ang papasukan ko, sa paaralan ng Dizon High sa San Pablo.
Naninibago pa ako sa mga bagong mukha ng magiging mga kaklase ko.Pero ng tumagal na ay nasanay na rin ako, masaya pala ang high school, mga nagdadalaga na ang mararamdaman mo.pero ako wala lang sa akin dahil hindi naman ako mahilig mag aarte sa katawan.Pagtuntong ko ng 2nd year high school ay napatigil ako dahil sa financial problem.Walang kita sa bukid ang tatay ko,at mahina rin naman ang kita ng nanay ko sa pagmamanicure, tamang pangkain lang ang kinikita nya.Kasabay na rin ang maagang pag aasawa ng aking panganay na kapatid,doon ay nagsimulang lumaki ang utang ng aking mga magulang.
       
                         
 Pero noong nakagaan naman kami sa mga utang ay, itinuloy ko na ang aking pagpasok, nag enroll ulit ako, doon parin sa Dizon High, 3rd year na ako noong pumasok ulit.Doon na nagsimula ang mga crushes, na maiinlove kana.At meron na nung tinatawag na JS, umattend ako dahil gusto ko ring maranasan ang maisayaw ka ng crush mu.
Hetong oras na ng 3rd year kna marami ka ng magagawa, mapupuntahan.Mga gimik ng mga barkada.Masaya dahil maraming mga kalokohan na ginagawa, mga cutting classes, pagtambay sa mall.
Pahingi hingi ng pera sa magulang para may panggimik.
        Noong 3rd year ako umuwi ung ninang ko galing sa states, kasama ung asawa nyang amerikano, doon kami nakaranas ng maraming pinupuntahan,gaya na lamang ng Pagsangjan Falls, Tagaytay at Baguio City.Sa lahat ng napuntahan namin ay ang pinaka nagustuhan ko ay ang Baguio City.Napaka bait noong asawa ng ninang ko, ang pangalan nya ay Dan.Noong paalis na sya ay nangako sya na marami pa daw kaming magagandang pupuntahan..
       
Heto naman ang pagpasok ko ng 4th year high school,nangangarap na makapagtapos kaagad,pero minsan ay paabsent absent ako,dahil walang baon.Pero kahit naabsent ako minsan ay pinagsisikapan ko naman ang pag aaral ko.Ngayong 4th year ako ay nag fieldtrip kami sa manila noong Oktubre 23,2010.



Napakasaya naman noong araw na iyon dahil ang pinuntahan namin ay ang Mall Of Asia na kung tawagin lang ay MOA.At eto na naman may JS na naman, pero hindi na ako umattend, dahil nga saw ala naman akong kahilig hilig sa mga ganun.Nagpunta na lang kami sa Canlubang at doon ay kaarawan ng aking pamangkin sa pinsan.
        Ganun lang po ang kwento ng buhay ni Luffa Karizza, simple lang pero marami ding kalokohan.
Hanggang ditto na lng po.Sana ay naantig ang inyong puso sa aking kwento.Salamat po.

nung ako ay bata pa

kasama ko ang friend ko

nag fieldrip kami sa MOA

Kaarawan ko

pic.ko nung bata pa ako

talambuhay ni BLANCA AMBAY.

Ako po si blanca Aguilar Ambay.Ipinanganak noong ika-23 ng nobyembre sa taong 1990, at ako naman po ay 20 taong gulang, nakatira sa brgy. sta monica spc,at ang aking naman pong magulang ay sina JUANITO at EVANGELINE AMBAY..at ang aking mga kapatid ay sina CHAMILLE,JHENEVA at JAYVEE AMBAY.. nais ko pong pong ilahad ang aking nakaraang pinagmulan noong ako'y bata pa noong bata pa ako ay naglalaro pa lang ako ng mga laruan at ang akin naman pong mga kalaro ay ang aking mga pinsan. pagkatapos nun madalasnaman kaming maglaro n g bisekleta at ng tago-taguan kung saan kame nglalaro,at madalas din kaming maglaro ng habol habulan..
classpicture namin
noong naglalaro kami ng habo habulan ng aming mga pinsan ay madalas kaming tumatakbo hanggang sa mataya ang aming kalaban ,pagkatapos nun ay nadapa ako at nagkaroon ng maraming sugat sa tuhod. Simula nun akoy patulo'y ng lumaki ay simula noong akoy mag-aral ng kinder sa day care center sa aming brgy. ay patuloy akong akong nagaral ng mabuti para makapagtapos ako ng pag-aaral at madalas din kaming naglalaro na aming mga kaklase.pagkatapos nun ay madalas din kaming nagtutulungan sa paglilinis ng aming klassroom bago umawas . at bago nang papalapit na pagdating ng ng pasukan ay patuloy pa rin akong pumapasok araw-araw simula elementary ako ay nakapagtapos ako ng pag-aaral.
kasama koh ang friend koh
At ako ay nagaaral ng high school simula pa lang noong ako ay 1st year high skul ay patuloy pa din akong nagaaral hanggang sa marating ko ang antas ng 4th year ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagaaral para makapagtapos ako pagaaral ay pinilit ko pa talagang magaral para sa aking magandang kinabukasan para lamang sa aming pamilya ay nais ko po na matulungan ang aking pamilya kasi nasa simpleng pamumuhay lamang kami kaya gusto kong makkatulong sa aking mga kapatid para sa kanilang magandang kinabukasan sa pagaaral. at nais ko rin na makatulong sa aking mga magulang sa pagtatrabaho para mkaahon kame sa hirap sana balang araw maabt namin ang aming pangarap naming magkakapatid.
picture namin nung JS
nung nag reynahan ako nung june, 1 2010
Gusto rin makatulong sa aking lola at sa aking mga kamag anak para maiahon din sila sa kahirapan ,at gusto ko din pong makagraduate ng high school para makapag aral ako ng college para makapaghanap ng mas magandang trabaho sana pagdating ko ng college makatapos na ako para marating ko na ung magandang kinabukasan na pinapangarap ko.
sinayaw ako nung clasm8 koh
gusto kong makapuntang ibang bansa para maghanap ng mas magandang trabaho at mas madaling pagkakitaan.na makatutulong sa aming pamilya,at hindi ko makakalimutan ang aking mga nakilala noong akoy bata pa at simula ngayong taon dahildi lang ito pinapangarap pati narin na gusto rin mabago ang buhay ko sa darating na graduation sana nga lang makagratuate ako para matupad lahat ng aking mga pangarap

Lunes, Pebrero 21, 2011

Talambuhay ni Jaypee Banzuela

Ako si Jaypee Banzuela ipinanganak ako sa San Benito Alaminos Laguna,noong july 22,1994.Ang aking mga magulang ay sina Erlinda Banzuela at si Cezar Banzuela,bata palang ako ay nag abroad na ang aking ina kaya doon ako lumaki sa lolo at tita ko,kasi ang ama ko ay nag tatrabaho sa kanila sa sta.Elena kaya doon ako iniwan sa mga tita ko.
Nag iisa lang akong bata samin kaya halos wala akong kaibigan doon,pero biglang may isang babae na nakilala ko at nakasama sa aking paglaki,siya lang ang nakakalaro ko,akala nga nila nga nila saken eh bakla ako,kasi babae lagi ang kalaro ko at puro manika ang nilalaro namin.Di nagtagal unti-unti na kaming lumaki at sa pag tanda namin nagkaroon na ko ng iba pang barkada.
kasama ko ang aking mga pinsan
Nung ako ay pumasok na sa San Benito Elementary School,grade 3 palang ako, lagi nalang akong niloloko ng mga classmate ko, kaya lagi nalang ako pinupuntahan ng tita ko sa school kasi lagi nalang ako napapaaway tuwing inaasar ako ng mga kamag aaral ko.
Pero isa sa mga di ko makakalimutang pangyayari saken ay nung grade 5 ako,hanggang dito ba naman sa taong ito niloloko parin ako??pero hindi na kamag aaral ko pero c teacher naman!!!! haiz ang saya din naman ng elementary life ko noh??syempre dahil sa pang aasar ng teacher ko sakin ay siya naman ang napagbuntunan ng galit ng tita ko !! ayus diba?
Pagtungtong ko ng highschool napakatindi ng naging karanasan ko nito sa buhay ko dun.2nd year kasi ako nun nadisgrasya ako tanda ko nga kung kelan yun eh,nangyari yun nung february,21,2008 may practice kasi kame ng Florante at Laura, hindi ako nagpractice nun kasi ang ginawa ko lang ay umuwi samen.gusto ko na kasing magpalipad ng saranggola dun. Ang layas ko eh,ang layo ng narating ko para lang magpalipad ng bwusit na saranggolang yun.Tinatawag ako ng kapatid ko para kumain,pero hindi ako sumunod hanggang sa bumaba yung saranggola,edi pinakuha ko sa mga pinsan ko yung saranggola ko sa kalsada at ako naman ang taga pulon ng tansi,ayun pala may dumaan biglang jeep at sabay tinanggal ko yung nakapulupot na tansi,pero nakita ko nalang na may sugat yung paa ko kita ko nga yung buto,hindi ko ramdam yun siguro dahilan yun ng pagkamanhid sa nangyari.
Buti nalang nandun ang mga barkada ko,dahil kung wala sila dun ay siguro may masama nang nangyari saken.Dali dali ang tita ko nang makita niyang dugong dugo na ang aking sugat.Kita ko sa kanya ang pag aalala nya sakin.Agad nya kong dinala sa hospital para ipagamot ang sugat ko. . Di ko makakalimutan yun dahil tinahi yung sugat ko. . Ang sakit talaga sobra,I Cant move on!!!
kasama koh ang clasmate koh

4th year na ko as wakas ang ggraduate na ko . . ang ko nga eh kasi may mga barkada akong matulungin c Frank
kahit ganyan yang mayabang,maaasahan mo yan sa lahat ng oras. . . Dahil kame ang barkadahang Aztig!!

Syempre hindi jan magpapahuli ang mga kaibigan ko na sina Arjay ang lalaking may Talentong sumayaw,c NiƱo ang Batang may sariling mundo at si jerhel ang taga gawa ng assignment.
Ngayung 4th year na ko ay maraming events sa buhay ko ang hindi ko makakalimutan kasama ang aking mga kaibigan.Yung fieldtrip kahit kami lang ng kaibigan kong si frank ang magkasama ay hindi nawala ang saya sa aming pamamasyal.Kasi habang namamasyal kami iniisip nalang namin na kasama namin ang iba pa naming kaibigan.Pag uwi nga namin ay sinubukan naming bumili ng souvenir sa kanila bilang tanda ng aming pagkakaibigan.
noong concert sa aming paaralan

Nang magkita kita na kami sa aming eskwelahan ay balik na naman sa dating gawi,ayun ay kapag napapapuynta na kami sa gitna ng OVAL ang oval sa school namin ay tinatawag naming battle field kung saan kami naglalaro ng TossCoin,kahit lagi akong talo iniisip ko nalang na ibinili ko ng kwek-kwek ang natalong pera sakin.
Minsan kahit ang mga araw na half day kami ay hindi parin kami umuuwi kasi napunta kami sa bahay ng kaibigan namin na si frank,ang ginagawa lang naman namin dun ay ang magsugal^_^.Nag dadangkalan kami sa pader nila,sabi nga ni Alcantara kaya daw pala namatay si Rizal ay gawa ng kauuntog sa pader.Hmm di ko rin naisip yun hehe
Marami pa kong nais ikwento pero ang sasabihin ko nalang ay ang mga best part ng pagiging 4th year ko,ito ay nung nagpractice kami ng cheerdance ang saya nga kahit talo kami,kasi noon ay puro patawa ang ginawa naming cheer,nagpicturan pa kami kaso sa picture ay biglang may lumabas na spirit kung baga.At hindi jan natatapos ang cheer namin kasi bumili pa kami ng para bang paputok na may lumalabas na papel,di ko kasi alam ang tawag doon kaya yan nalang ang itinawag ko.hehe
nag papractice kame ng cheerdance
Eto nga malapit na ang graduation day pero bago yan ay pumunta muna tayo sa mga pangyayari noong may concert na may naganap sa aming paaralan.Kasi kahit wala si arjay sa aming tinambayan noon ay sobra naming saya,para ngang ang aming grupo sa concert ang pinakamagulo kahit apat lang kami,kaya naman wala si Arjay ay gawa ng kasali siya sa sayaw noon,kasali siya sa Nastified Crew.Habang pinapanood namin siya sa pagsayaw ay kami naman ay hindi mapigil sa pag sigaw ng BALAT hahaa.Kasi naman kung bakit ba naman may balat sa muka si Arjay.
class picture nmin yan

Ngayun naman ay para bang may pakiramdam kami na hindi magiging sobrang saya ang magaganap na graduation para samin kasi ang adviser namin ay hindi mo masukat ang kanyang GALIT,bastusin ba naman at hindi sundin ang kanyang utos samin,hmmm minsan nga naaawa na ko sa kanya kasi sa lahat ng magagandang ginawa nya samin upang makapasa lang ay ayun pa ang ipinalit namin sa kanya.
Pero promise ko sa kanya pag nakagraduate nako ay hindi ko na sila kakalimutan dahil isa sila sa naging parte ng aking makulay na buhay.
Babooo!