ANG TALAMBUHAY NI LUFFA KARIZZA KATIPUNAN
Ako si Luffa Karizza Alcantara Katipunan na masayahin, palakaibigan at mapagmahal na anak.Ipinanganak ako noong Setyembre 25,1992, sa lugar ng Calauan Laguna.Ang pangalan ng aking mga magulang ay sina Benigno at Lillian Katipunan.Tatlo kaming magkakapatid, ang panganay ay si Bryan ang sumunod ay si ninolito, at ako ang bunsong babae, kaya naman mahal na mahal ako ng mga magulang ko.
Ang trabaho ng tatay ko ay nagtatanim lang ng mga palay at mga gulay sa bukid namin.Ang nanay ko naman ay nagtitinda na mami noon sa San Pablo, pero ngayon ay nagmamanicure na lamang sya dahil nalugi an gaming tindahan, dahil sa tatay ko na ipinangsusugal ang perang kinikita ng nanay ko.Pero ayos din naman ang kinikta ng nanay ko ngayon,palagi parin naman kami kumakain ng masasarap.
Noong sanggol po ako ay bininyagan ako sa simbahan ng Calauan Laguna, at ang mga ninong at ninang ko po ay sina Leoni, Vilma, Jojo,Danie, at Dodie.Ayon lang po ang aking natatandaan dahil hindi ko nap o nakikita ung iba.
Nang sumapit po ang unang kaarawan ko ay ipinaghanda ako ng mga magulang ko ng marami dahil ako daw ang nag iisang anak na babae.Noong sumapit naman ang ikatlong kaarawan ko ay pinagsabay na ang handa ng aking lolo at ang akin.Ipinaghanda ulit kami ng marami ng aking mga magulang, tiyo at mga tiyahin.doon kasi kinuha ang pangalan ko sa aking lolo.Lope ang pangalan nya, at Luffa nman ako.Hindi ko na natatandaan ang mga panahong iyon dahil tatlong taon pa lamang ako.Pero dahil sa mga larawa na itinago ng aking mga magulang ay nakita at nasiyahan ako.
Noong edad kong lima at anim ay napakarami ko na agad naging karanasan.Umaakyat kai ng mga pinsan ko sa mga puno,pataasan kami kung hanggang saan ang akyatin,dahil sa pag akyat kong iyon ay nahulog ako sa puno at yun ay nagtamo ng pilat sa hita ko.Simula noon ay hindi na ako umulit pang umakyat sa punong iyon,dahil pinutol na ni tatay.Lagi din akong may palo kay tatay kapag nakikitang umaakyat sa puno.At isa pa,gabi noon nang mahulog ako sa ilog doon sa amin,susunduin naming si nanay sa labasan kasama ang mga pinsan ko,nang matisod ako sa malaking kahoy na nakaharang sa daan at nagpagilong gilong ako sa ilog, pinagtawanan akong magaling ng mga pinsan ko..dati ay nililiguan naming ang ilog na iyon,ngayon ay hindi na dahil sa marumi na ngayon.
Naalala ko rin pala noong umuwi ang tiya ko galing ibang bansa.naisipan nyang magbakasyon muna nang ilang araw, nagustuhan nyang magswimming kasama ang mga kamag anak namin.Sa dagat kami nagpunta, dahil dun gusro ni tita.Ang mga pinsan ko ay nagyaya na mamangka sa gitna ng dagat para makita ang mga corals sa ilalim,nang nasa kalagitnaan na kami ay nagkakaroon ng tubig ang loob ng bangka, unti unti kaming lumulubog dahil sa ang dami naming nakasakay.Naiisip ko nay un na ang huling araw ko,dahil feeling ko ay mamamatay na ako noon,buti na lang at may life jacket kami.
Bata pa lamang ako noon ay andami ko nang kinakatakutan.Nang sumapit ako sa edad na pito ay nag aral na ako ng grade 1.Hindi na ako pinag aral ng nanay ng kinder dahil pareho lang din naman daw yun.Hindi ko talaga malimutan ang mga panahong ikinulong kami ng aming guro sa loob ng classroom noong awasan na ng hapon.Dahil sa sobrang kaingayan naming at hindi sumusunod sa guro.Pag labas naming sa room na iyon ay wala nang ibang tao o estudyante, at wala na rin akong masakyan pauwi.
Wala akong kapera pera noong panahong iyon kung hindi piso lamang.wala akong ibang maisip na paraan kung hindi maglakad na lang, habang naglalakad ako pauwi sa amin ay tumutulo ang luha ko sa sobrang awa ko sa sarili ko.Pag uwi ko samin ay bigla akong nilagnat, nagpunta kami ng nanay at ng tiyahin ko sa antipolo para magdasal doon.at ayon na lamang pom ang natatandaan ko noong ako ay nasa elementarya.wala din akong naitagong larawan noong ako ay elementary.
Noong ako naman ay nagsimulang pumasok ng high school ay natatakot pa ako dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko,dahil bagong school ang papasukan ko, sa paaralan ng Dizon High sa San Pablo.
Naninibago pa ako sa mga bagong mukha ng magiging mga kaklase ko.Pero ng tumagal na ay nasanay na rin ako, masaya pala ang high school, mga nagdadalaga na ang mararamdaman mo.pero ako wala lang sa akin dahil hindi naman ako mahilig mag aarte sa katawan.Pagtuntong ko ng 2nd year high school ay napatigil ako dahil sa financial problem.Walang kita sa bukid ang tatay ko,at mahina rin naman ang kita ng nanay ko sa pagmamanicure, tamang pangkain lang ang kinikita nya.Kasabay na rin ang maagang pag aasawa ng aking panganay na kapatid,doon ay nagsimulang lumaki ang utang ng aking mga magulang.
Pero noong nakagaan naman kami sa mga utang ay, itinuloy ko na ang aking pagpasok, nag enroll ulit ako, doon parin sa Dizon High, 3rd year na ako noong pumasok ulit.Doon na nagsimula ang mga crushes, na maiinlove kana.At meron na nung tinatawag na JS, umattend ako dahil gusto ko ring maranasan ang maisayaw ka ng crush mu.
Hetong oras na ng 3rd year kna marami ka ng magagawa, mapupuntahan.Mga gimik ng mga barkada.Masaya dahil maraming mga kalokohan na ginagawa, mga cutting classes, pagtambay sa mall.
Pahingi hingi ng pera sa magulang para may panggimik.
Noong 3rd year ako umuwi ung ninang ko galing sa states, kasama ung asawa nyang amerikano, doon kami nakaranas ng maraming pinupuntahan,gaya na lamang ng Pagsangjan Falls, Tagaytay at Baguio City.Sa lahat ng napuntahan namin ay ang pinaka nagustuhan ko ay ang Baguio City.Napaka bait noong asawa ng ninang ko, ang pangalan nya ay Dan.Noong paalis na sya ay nangako sya na marami pa daw kaming magagandang pupuntahan..
Heto naman ang pagpasok ko ng 4th year high school,nangangarap na makapagtapos kaagad,pero minsan ay paabsent absent ako,dahil walang baon.Pero kahit naabsent ako minsan ay pinagsisikapan ko naman ang pag aaral ko.Ngayong 4th year ako ay nag fieldtrip kami sa manila noong Oktubre 23,2010.
Napakasaya naman noong araw na iyon dahil ang pinuntahan namin ay ang Mall Of Asia na kung tawagin lang ay MOA.At eto na naman may JS na naman, pero hindi na ako umattend, dahil nga saw ala naman akong kahilig hilig sa mga ganun.Nagpunta na lang kami sa Canlubang at doon ay kaarawan ng aking pamangkin sa pinsan.
Ganun lang po ang kwento ng buhay ni Luffa Karizza, simple lang pero marami ding kalokohan.
Hanggang ditto na lng po.Sana ay naantig ang inyong puso sa aking kwento.Salamat po.
nung ako ay bata pa |
kasama ko ang friend ko |
nag fieldrip kami sa MOA |
Kaarawan ko |
pic.ko nung bata pa ako |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento