Nag iisa lang akong bata samin kaya halos wala akong kaibigan doon,pero biglang may isang babae na nakilala ko at nakasama sa aking paglaki,siya lang ang nakakalaro ko,akala nga nila nga nila saken eh bakla ako,kasi babae lagi ang kalaro ko at puro manika ang nilalaro namin.Di nagtagal unti-unti na kaming lumaki at sa pag tanda namin nagkaroon na ko ng iba pang barkada.
kasama ko ang aking mga pinsan |
Pero isa sa mga di ko makakalimutang pangyayari saken ay nung grade 5 ako,hanggang dito ba naman sa taong ito niloloko parin ako??pero hindi na kamag aaral ko pero c teacher naman!!!! haiz ang saya din naman ng elementary life ko noh??syempre dahil sa pang aasar ng teacher ko sakin ay siya naman ang napagbuntunan ng galit ng tita ko !! ayus diba?
Pagtungtong ko ng highschool napakatindi ng naging karanasan ko nito sa buhay ko dun.2nd year kasi ako nun nadisgrasya ako tanda ko nga kung kelan yun eh,nangyari yun nung february,21,2008 may practice kasi kame ng Florante at Laura, hindi ako nagpractice nun kasi ang ginawa ko lang ay umuwi samen.gusto ko na kasing magpalipad ng saranggola dun. Ang layas ko eh,ang layo ng narating ko para lang magpalipad ng bwusit na saranggolang yun.Tinatawag ako ng kapatid ko para kumain,pero hindi ako sumunod hanggang sa bumaba yung saranggola,edi pinakuha ko sa mga pinsan ko yung saranggola ko sa kalsada at ako naman ang taga pulon ng tansi,ayun pala may dumaan biglang jeep at sabay tinanggal ko yung nakapulupot na tansi,pero nakita ko nalang na may sugat yung paa ko kita ko nga yung buto,hindi ko ramdam yun siguro dahilan yun ng pagkamanhid sa nangyari.
Buti nalang nandun ang mga barkada ko,dahil kung wala sila dun ay siguro may masama nang nangyari saken.Dali dali ang tita ko nang makita niyang dugong dugo na ang aking sugat.Kita ko sa kanya ang pag aalala nya sakin.Agad nya kong dinala sa hospital para ipagamot ang sugat ko. . Di ko makakalimutan yun dahil tinahi yung sugat ko. . Ang sakit talaga sobra,I Cant move on!!!
kasama koh ang clasmate koh |
4th year na ko as wakas ang ggraduate na ko . . ang ko nga eh kasi may mga barkada akong matulungin c Frank
kahit ganyan yang mayabang,maaasahan mo yan sa lahat ng oras. . . Dahil kame ang barkadahang Aztig!!
Syempre hindi jan magpapahuli ang mga kaibigan ko na sina Arjay ang lalaking may Talentong sumayaw,c NiƱo ang Batang may sariling mundo at si jerhel ang taga gawa ng assignment.
Ngayung 4th year na ko ay maraming events sa buhay ko ang hindi ko makakalimutan kasama ang aking mga kaibigan.Yung fieldtrip kahit kami lang ng kaibigan kong si frank ang magkasama ay hindi nawala ang saya sa aming pamamasyal.Kasi habang namamasyal kami iniisip nalang namin na kasama namin ang iba pa naming kaibigan.Pag uwi nga namin ay sinubukan naming bumili ng souvenir sa kanila bilang tanda ng aming pagkakaibigan.
noong concert sa aming paaralan |
Nang magkita kita na kami sa aming eskwelahan ay balik na naman sa dating gawi,ayun ay kapag napapapuynta na kami sa gitna ng OVAL ang oval sa school namin ay tinatawag naming battle field kung saan kami naglalaro ng TossCoin,kahit lagi akong talo iniisip ko nalang na ibinili ko ng kwek-kwek ang natalong pera sakin.
Minsan kahit ang mga araw na half day kami ay hindi parin kami umuuwi kasi napunta kami sa bahay ng kaibigan namin na si frank,ang ginagawa lang naman namin dun ay ang magsugal^_^.Nag dadangkalan kami sa pader nila,sabi nga ni Alcantara kaya daw pala namatay si Rizal ay gawa ng kauuntog sa pader.Hmm di ko rin naisip yun hehe
Marami pa kong nais ikwento pero ang sasabihin ko nalang ay ang mga best part ng pagiging 4th year ko,ito ay nung nagpractice kami ng cheerdance ang saya nga kahit talo kami,kasi noon ay puro patawa ang ginawa naming cheer,nagpicturan pa kami kaso sa picture ay biglang may lumabas na spirit kung baga.At hindi jan natatapos ang cheer namin kasi bumili pa kami ng para bang paputok na may lumalabas na papel,di ko kasi alam ang tawag doon kaya yan nalang ang itinawag ko.hehe
nag papractice kame ng cheerdance |
class picture nmin yan |
Ngayun naman ay para bang may pakiramdam kami na hindi magiging sobrang saya ang magaganap na graduation para samin kasi ang adviser namin ay hindi mo masukat ang kanyang GALIT,bastusin ba naman at hindi sundin ang kanyang utos samin,hmmm minsan nga naaawa na ko sa kanya kasi sa lahat ng magagandang ginawa nya samin upang makapasa lang ay ayun pa ang ipinalit namin sa kanya.
Pero promise ko sa kanya pag nakagraduate nako ay hindi ko na sila kakalimutan dahil isa sila sa naging parte ng aking makulay na buhay.
Babooo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento